![]() |
Photo from Mayor Jay Vergara Facebook Page |
An open letter to the city mayor of Cabanatuan is currently circulating on social media. The said letter was posted on Facebook asking for immediate actions on drainage system of the city:
Dear Mayor Jay Vergara,
Maraming salamat po sa ilang taong panunungkulan sa Cabanatuan City at patuloy na pangangalaga sa ating bayan., hindi po maitatanggi ang dami ng inyong nagawa sa mga panahon ng inyong panunungkulan, nangunguna nga po dito ay ang pagpapagawa ng ilang mga tulay at daan na naging alternate route ng maraming mamamayan para sa mas mabilis na byahe at mabilis n daloy ng trapiko sa cabanatuan city, hindi rin po maitatanggi na naging matagumpay ang mga proyekto nyong ito at damang dama po namin ang patuloy na pag dami ng mga investors sa Cabanatuan City.
Maraming salamat po!
Ngunit hindi po lingid sa inyong kaalaman na pagkatapos ng dalawang magkasunod na bagyo sa ating bayan ay nalugmok ang malaking parte ng cabanatuan dahil sa tindi ng pagbaha na dulot na rin ng tinatawag na Climate Change o pagbabago ng kundixon ng ating kalikasan,..marami po ang naapektuhan sa idinulot ng magkasunod na unos na ito.
Bilang isang Cabanatueño, nais ko po na ipaabot ang aking hiling sa inyo na sana po ay matugunan ang pagsasa-ayos ng ating drainage sytem upang manumbalik ang kaayusan at sigla ng Cabanatuan City, manumbalik ang tiwala ng mga investors sa ating lugar at mawala ang aming mga takot sa twing may parating na bagyo o malakas na pag-ulan, alam ko rin po na karamihan sa mga taga-cabanatuan ay ganito din ang nais na ipaabot sa inyo..., malaki po ang aming tiwala sa inyong kakayahan at alam po namin na kaya ninyo itong tugunan katulad ng ilang tulay at daan na matagumpay ninyong tinupad ng mga nakaraang panahon ng inyong panunungkulan.
Muli po, sana po ay inyong bigyang pansin ang kaayusan ng drainage sytem ng Cabanatuan City para sa tuloy-tuloy na pag-unlad at pagbabago progreso. #BangonCabanatuan
What can you say about this open letter?
ADVERTISEMENTS
May Drainage System na ang Cabanatuan, ang problema ay ang pagkakalbo ng mga bundok sa Sierra Madre. Wala na halos mga puno, upang pigilan ang pagdaloy ng tubig sa kapatagan. Hindi ang Drainage System ang problema sa pagbaha sa Cabanatuan kung hindi ang pagkasira ng ating mga kabundukan. Gaano man kaayos ang Drainage System, kung ang pagragasa naman ng tubig na galing sa bundok ng Sierra Madre ay napakarami, hindi kayang mapigilan o kontrolin ng Drianage ang baha na galing sa mga bundok. Dapat ang gawin ay magtanim ng mga puno sa bundok ng Sierra Madre, upang may pumigil sa pag-baba ng tubig sa mga bundok. Sana makatulong ito kahit papaano.
ReplyDelete